Kasali Ka, Ilocos Norte: Saku-Sakong Kaalaman Sa Pagpapalay
Ibinida ng mga kasamahan namin sa Corteva Agriscience™ ang mga pangmalakasang Pioneer Hybrid Rice Seeds at Crop Protection products sa 15th National Rice Techno Forum sa Barangay Cabaruan, Bacarra, Ilocos Norte na tumagal ng tatlong araw mula September 12-14, 2022.
Nakipagkwentuhan sila sa mga rice farmers tungkol sa mga magaling at makabagong produkto para mas mapaunlad ang pagsasaka. Kitang kita ang mga ngiti na abot tenga na tila na nabusog sa mga kaaalaman dahil sa mga epektibong Grain at Panicle charts at sa field tour na talaga namang swak na swak sa hanap nilang mga bagong information.
PHB87 at PHB85 ang mga pangunahing rice seeds na bumida sa Techno Forum na ito.
Mas masarap na buhay - yan ang hanap ng mga rice farmers na nakasaksi sa manual transplanting ng PHB85 na may NSIC name 2021 Rc 664H. ang binhing ito ay angkop sa mga palayan na may irigasyon (sabayang taniman), gumagamit ng water pump, o sahod-ulan. Ang taas ng halaman ay umaabot ng 109 cm na may 7.8mm na grain size (Extra Long Slender). at sa bawat sako nito ay may potensyal na ani na 13MT.
Halos hindi nagkaiba sa potensyal na ani at angkop na taniman ang dalawang binhing ito, nguinit ang taas ng halaman ng PHB87 ay humahaba ng 117cm.
Parehas silang matibay sa BLB, BLS at Rice Blast na protektadong protektado ang potensyal na ani.