Mabisa At Hindi Mabagsik Sa Palay
Si Sir Francisco Ragma, 54 taong gulang, mula sa Palacpalac, Victoria, Tarlac, ay 20 taon na sa larangan ng pagsasaka. Masaya siya na ipinakilala sa kanya ng Corteva Agriscience™ ang mga herbicides na talaga namang maipagmamalaki sa galing.
Siya at kanyang mga kasamahan sa pagsasaka ay naghahanap ng herbicides na “mabisa at hindi mabagsik sa palay” at higit sa lahat ay “agad nakapagpapawala ng mga damo”.
Sa kanilang palayan ang mahirap puksain ay ang mga damong may buko at ang mga damong may tatsulok na stem.
Marami nang naglabas ng pamuksa ng damo o herbicides na mabibili sa pamilihan. Dito sila nagbabase kung ano ang mabisang pamuksa ng mga makukulit na damo sa palayan.
Base sa naranasan nya, noong mga panahon na hindi masyadong epektibo at nakakapatay ng lahat ng damo ang mga herbisidyo, kailangan pa nilang mag-ulit sa pag-spray. Ngayon, gawa ng mga makabagong teknolohiya, ang mga pamatay damo ay napakaepektibo lalo kung ginagamit sa tamang paraan.
Para kay Sir Ragma, kapag walang damo, siguradong maganda ang magiging ani, halos 100% ang kikitain. Walang makukulit na damo ang aagaw sa mga pagkain ng palay. Siguradong kikita ang mga magsasaka at gaganda ang pamumuhay dahil sa magandang ani.
Ang produktong Novlect™ ang kanyang paboritong herbicide, dahil malinis at di makikitaan ng damo. Bukod pa rito ay maganda ang bulas ng pananim. Siguradong pag Novlect™ ang gamit, mawawala ang mga damo sa tamang paggamit. Sulit na sulit ang pagod ng mga magsasaka!
Novlect™
Pagyamanin ang Kinabukasan!